A A A A A
Bible Book List

Lucas 19:29-35 Ang Salita ng Diyos (SND)

29 At nangyari nang papalapit na siya sa Betfage at Betania, patungo sa tinatawag na bundok ng mga Olibo, sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad. 30 Kaniyang sinabi: Pumunta kayo sa nayon na nasa unahan ninyo. Sa pagpasok ninyo sa nayon, masusumpungan ninyo ang isang batang asno na nakatali. Hindi pa iyon nasasakyan ng sinumang tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin dito. 31 Kung may magtanong sa inyo: Bakit ninyo kinalagan iyan? Sabihin nga ninyo sa kaniya: Kailangan ito ng Panginoon.

32 Umalis ang mga sinugo at nasumpungan nila ang ayon sa pagkasabi sa kanila. 33 Sa pagkalag nila sa bisiro, ang mga may-ari nito ay nagsabi sa kanila: Bakit ninyo kinakalagan ang bisiro?

34 Sinabi nila: Kailangan ito ng Panginoon.

35 Inakay nila ang bisiro patungo kay Jesus. Pagkalagay nila ng kanilang mga damit sa bisiro, pinasakay nila si Jesus doon.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes