A A A A A
Bible Book List

Juan 19:38-42 Ang Salita ng Diyos (SND)

Inilibing Nila si Jesus

38 Pagkatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay humiling kay Pilato na makuha niya ang katawan ni Jesus. Si Jose ay isang alagad ni Jesus bagamat palihim lamang dahil sa takot sa mga Judio. Pinahintulutan siya ni Pilato, kaya siya ay pumunta roon at kinuha ang katawan ni Jesus. 39 Pumunta rin doon si Nicodemo. Siya iyong noong una ay pumunta kay Jesus nang gabi. Siya ay may dalang pinaghalong mira at aloe, na halos isang daang libra ang timbang. 40 Kinuha nga nila ang katawan ni Jesus. Binalot nila ito ng telang lino kasama ang mga pabango. Ito ay ayon sa kaugalian ng paghahanda ng mga Judio sa paglilibing. 41 Sa pook na pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan. Sa halamanang iyon ay may isang bagong libingan na hindi pa napaglilibingan. 42 Doon nila inilagay si Jesus sapagkat noon ay araw ng Paghahanda ng mga Judio at malapit doon ang libingan.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes