A A A A A
Bible Book List

Juan 13:21-30 Ang Salita ng Diyos (SND)

21 Nang masabi na ito ni Jesus ay naligalig siya sa espiritu. Siya ay nagpatotoo at nagsabi: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Isa sa inyo ay magkakanulo sa akin.

22 Kaya ang mga alagad ay nagtinginan sa isa't isa, naguguluhan sila kung sino ang tinutukoy niya. 23 Mayroon ngang nakahilig sa piling ni Jesus na isa sa kaniyang mga alagad, siya ang iniibig ni Jesus. 24 Si Simon Pedro nga ay humudyat sa kaniya na tanungin si Jesus kung sino ang kaniyang tinutukoy.

25 Sa paghilig niya sa dibdib ni Jesus, sinabi niya: Panginoon, sino siya?

26 Sumagot si Jesus: Siya ang bibigyan ko ng kapirasong tinapay pagkatapos ko itong maisawsaw. Nang maisawsaw na niya ang kapirasong tinapay ibinigay niya iyon kay Judas na taga-Keriot na anak ni Simon. 27 Pagkatapos ng isang subo ay pumasok kay Judas si Satanas.

Sinabi nga ni Jesus sa kaniya: Kung ano ang iyong gagawin ay gawin mo agad. 28 Walang sinuman sa nakaupong kasalo niya ang nakaunawa kung bakit niya iyon sinabi sa kaniya. 29 Si Judas ang may hawak ng supot ng salapi. Ito ang dahilan kaya inakala ng ilan na ang sinabi sa kaniya ni Jesus ay bumili siya ng mga kakailanganin para sa kapistahan. O kaya ay may ipinabibigay sa kaniya sa mga dukha. 30 Pagkatanggap nga niya ng isang subo ay agad siyang umalis. Noon ay gabi na.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes