A A A A A
Bible Book List

Juan 12:12-16 Ang Salita ng Diyos (SND)

Pumasok si Jesus sa Jerusalem Tulad ng Isang Hari

12 Kinabukasan, maraming mga tao ang dumating na nanggaling sa kapistahan. Narinig nila na darating si Jesus sa Jerusalem. 13 Sila ay kumuha ng mga tangkay ng punong palma at lumabas upang siya ay salubungin. Sumigaw sila:

Hosana! Papuri sa Hari ng Israel na pumaparito sa
pangalan ng Panginoon!

14 Sinakyan ni Jesus ang isang batang asno na natagpuan niya. Ayon sa nasusulat:
15     Huwag kang matakot, anak na babae ng
    Sion! Narito, ang iyong hari ay dumarating.
    Siya ay nakasakay sa isang bisirong asno.

16 Sa simula ay hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga bagay na ito. Subalit nang naluwalhati na si Jesus, saka nila naalala na ang mga bagay na ito ay isinulat patungkol sa kaniya. Naalala rin nila na ang mga bagay na ito ay ginawa nila sa kaniya.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes