A A A A A
Bible Book List

Galacia 3:1-5 Ang Salita ng Diyos (SND)

Pananampalataya o Pagsunod sa Kautusan

O mangmang na mga taga-Galacia, sino ang bumighani sa inyo upang huwag ninyong sundin ang katotohanan? Malinaw naming ipinaliwanag sa inyo ang patungkol kay Jesucristo na ang mga tao ang nagpako sa kaniya. Ito lamang ang ibig kong malaman mula sa inyo: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya? Ganyan ba kayo kamangmang? Kayo ay nagsimula sa pamamagitan ng Espiritu. Kayo ba ngayon ay ginawang ganap sa pamamagitan ng gawa ng tao? Kayo ba ay naghirap sa maraming bagay para lang sa walang kabuluhan, kung ito nga ay walang kabuluhan? Ibinibigay ng Diyos sa inyo ang kaniyang Espiritu at gumagawa ng mga himala sa inyong kalagitnaan. Kaya nga, ginawa ba niya ito sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya?

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

Galacia 3:23-25 Ang Salita ng Diyos (SND)

23 Ngunit bago dumating ang pananampalataya, tayo ay nabilanggo sa ilalim ng kautusan, at nilagyan ng hangganan para sa pananampalataya na ihahayag pagkatapos. 24 Kaya nga, ang kautusan ang naging patnugot natin upang tayo ay dalhin kay Cristo at upang tayo ay mapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. 25 Ngayon, kapag dumating na ang pananampalataya, tayo ay hindi na sa ilalim ng isang patnugot.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

Galacia 4:21-25 Ang Salita ng Diyos (SND)

Si Hagar at si Sara

21 Kayong ibig na mapasa-ilalim ng kautusan, magsabi kayo sa akin: Hindi ba ninyo naririnig kung ano ang sinasabi ng kautusan? 22 Sapagkat sinasabi ng kasulatan na si Abraham ay may dalawang anak na lalaki. Ang isa ay anak sa aliping babae at ang isa ay anak sa babaeng malaya. 23 Subalit ang anak sa aliping babae ay isinilang ayon lamang sa paraan ng laman at ang anak sa malayang babae ay isinilang sa pamamagitan ng pangako.

24 Ang mga bagay na ito ay mga paghahambing sapagkat ang dalawang babaeng ito ay kumakatawan sa dalawang tipan. Ang isa ay mula sa bundok ng Sinai. Siya ay manganganak ng anak sa pagkaalipin. Ang babaeng ito ay si Hagar. 25 Ito ay sapagkat si Hagar ay kumakatawan sa bundok ng Sinai na nasa bansang Arabia. Siya ang tumutukoy sa Jerusalem sa ngayon at ang kaniyang mga anak ay nasa pagkaalipin.

Ang Salita ng Diyos (SND)

Copyright © 1998 by Bibles International

  Back

1 of 1

You'll get this book and many others when you join Bible Gateway Plus. Learn more

Viewing of
Cross references
Footnotes