Add parallel Print Page Options

Ang Kasamaan ng mga Israelita

Sinabi ni Micas: Kawawa ako! Para akong isang gutom na naghahanap ng mga natirang bunga[a] ng ubas o igos pero walang makita ni isa man. Ang ibig kong sabihin, wala na akong nakitang tao sa Israel na tapat sa Dios. Wala nang natirang taong matuwid. Ang bawat isa ay naghahanap ng pagkakataon para patayin ang kanyang kababayan, tulad ng taong naghahanda ng bitag sa hayop na kanyang huhulihin. Bihasa silang gumawa ng kasamaan. Ang mga pinuno at mga hukom ay tumatanggap ng suhol. Sumusunod lamang sila sa gusto ng mga taong tanyag at makapangyarihan. Nagkakaisa sila upang baluktutin ang katarungan. Ang pinakamabuti sa kanila ay parang dawag na walang silbi. Dumating na ang panahon ng pagpaparusa ng Dios sa mga taong ito, gaya ng kanyang babala sa kanila sa pamamagitan ng mga propeta na parang mga guwardya sa tore. Dumating na ang panahon ng kanilang pagkalito.

Dahil sa laganap na ang kasamaan, huwag na kayong magtiwala sa inyong kapwa o sa inyong mga kaibigan. At mag-ingat kayo sa inyong sinasabi kahit na sa inyong mahal na asawa. Sapagkat sa mga panahong ito, ang anak na lalaki ay hindi na gumagalang sa kanyang ama, ang anak na babae ay nagrerebelde sa kanyang ina, at ang manugang na babae ay nagrerebelde rin sa kanyang biyenang babae. Ang kaaway ng isang tao ay ang kanya mismong kapamilya.

Pero para sa akin, magtitiwala ako sa Panginoon na aking Dios. Maghihintay ako sa kanya na magliligtas sa akin, at tiyak na ako ay kanyang diringgin.

Ililigtas ng Panginoon ang mga Israelita

Sinabi ng mga Israelita, “Hindi tayo dapat kutyain ng ating mga kaaway. Kahit na nadapa tayo, muli tayong babangon. At kahit na nasa kadiliman tayo, ang Panginoon ang ating ilaw. Dahil sa nagkasala tayo sa Panginoon, dapat nating tiisin ang kanyang parusa sa atin hanggang sa ipagtanggol niya tayo at bigyan ng katarungan. Makikita natin ang pagliligtas niya sa atin sa pamamagitan ng pagdala niya sa atin sa kaliwanagan. 10 Makikita ito ng ating mga kaaway at mapapahiya sila. Sapagkat kinukutya nila tayo noon na nagsasabi, ‘Nasaan na ang Panginoon na inyong Dios?’ Hindi magtatagal at makikita natin ang kapahamakan nila. Magiging tulad sila ng putik na tinatapak-tapakan sa lansangan.”

11 Sinabi ni Micas sa mga taga-Jerusalem: Darating ang araw na muli ninyong itatayo ang mga pader ninyo at sa panahong iyon lalong lalawak ang inyong teritoryo. 12 Sa panahon ding iyon, pupunta sa inyo ang mga tao mula sa Asiria at sa mga lungsod ng Egipto, at mula sa Egipto hanggang sa Ilog ng Eufrates, at mula sa malalayong lugar.[b] 13 Magiging mapanglaw na lugar ang mga bansa sa mundo dahil sa kasamaan ng mga naninirahan doon.

Nanalangin ang mga Israelita na Kaawaan Sila ng Dios

14 Nanalangin ang mga Israelita,Panginoon, bantayan nʼyo po kami na iyong mga mamamayan katulad ng pagbabantay ng pastol sa kanyang mga tupa. Ang mga lupain sa aming paligid ay may masaganang pastulan, pero kami ay namumuhay sa kaparangan na kami-kami lang. Palawakin nʼyong muli ang aming teritoryo hanggang sa Bashan at sa Gilead katulad noon. 15 Magpakita po kayo sa amin ng mga himala katulad ng inyong ginawa nang ilabas nʼyo kami sa Egipto. 16 Makikita ito ng mga bansa at mapapahiya sila sa kabila ng kanilang kapangyarihan. At hindi na sila makikinig o magsasabi ng mga panlalait sa amin. 17 Gagapang sila sa lupa na parang ahas dahil sa sobrang hiya. Lalabas sila sa kanilang lungga na nanginginig sa takot sa inyo, Panginoon naming Dios. 18 Wala na pong ibang Dios na tulad ninyo. Pinatawad nʼyo ang kasalanan ng mga natitirang mamamayan na pag-aari ninyo. Hindi kayo nananatiling galit magpakailanman dahil ikinagagalak nʼyong mahalin kami. 19 Muli nʼyo kaming kaawaan at alisin nʼyo po ang lahat naming mga kasalanan. Yurakan nʼyo ito at itapon sa kailaliman ng dagat. 20 Ipakita nʼyo ang inyong pag-ibig at katapatan sa amin na mga lahi ni Abraham at ni Jacob, gaya ng iyong ipinangako sa kanila noong unang panahon.”

Footnotes

  1. 7:1 natirang bunga: Kaugalian ng mga Israelita ang pagtitira ng mga bunga para sa mga dukha, biyuda, o mga dayuhan.
  2. 7:12 mula sa malalayong lugar: sa literal, mula sa isang dagat patungo sa isang dagat at mula sa isang bundok patungo sa isa pang bundok.

Israel’s Misery

What misery is mine!
I am like one who gathers summer fruit
    at the gleaning of the vineyard;
there is no cluster of grapes to eat,
    none of the early figs(A) that I crave.
The faithful have been swept from the land;(B)
    not one(C) upright person remains.
Everyone lies in wait(D) to shed blood;(E)
    they hunt each other(F) with nets.(G)
Both hands are skilled in doing evil;(H)
    the ruler demands gifts,
the judge accepts bribes,(I)
    the powerful dictate what they desire—
    they all conspire together.
The best of them is like a brier,(J)
    the most upright worse than a thorn(K) hedge.
The day God visits you has come,
    the day your watchmen sound the alarm.
    Now is the time of your confusion.(L)
Do not trust a neighbor;
    put no confidence in a friend.(M)
Even with the woman who lies in your embrace
    guard the words of your lips.
For a son dishonors his father,
    a daughter rises up against her mother,(N)
a daughter-in-law against her mother-in-law—
    a man’s enemies are the members of his own household.(O)

But as for me, I watch(P) in hope(Q) for the Lord,
    I wait for God my Savior;
    my God will hear(R) me.

Israel Will Rise

Do not gloat over me,(S) my enemy!
    Though I have fallen, I will rise.(T)
Though I sit in darkness,
    the Lord will be my light.(U)
Because I have sinned against him,
    I will bear the Lord’s wrath,(V)
until he pleads my case(W)
    and upholds my cause.
He will bring me out into the light;(X)
    I will see his righteousness.(Y)
10 Then my enemy will see it
    and will be covered with shame,(Z)
she who said to me,
    “Where is the Lord your God?”(AA)
My eyes will see her downfall;(AB)
    even now she will be trampled(AC) underfoot
    like mire in the streets.

11 The day for building your walls(AD) will come,
    the day for extending your boundaries.
12 In that day people will come to you
    from Assyria(AE) and the cities of Egypt,
even from Egypt to the Euphrates
    and from sea to sea
    and from mountain to mountain.(AF)
13 The earth will become desolate because of its inhabitants,
    as the result of their deeds.(AG)

Prayer and Praise

14 Shepherd(AH) your people with your staff,(AI)
    the flock of your inheritance,
which lives by itself in a forest,
    in fertile pasturelands.[a](AJ)
Let them feed in Bashan(AK) and Gilead(AL)
    as in days long ago.(AM)

15 “As in the days when you came out of Egypt,
    I will show them my wonders.(AN)

16 Nations will see and be ashamed,(AO)
    deprived of all their power.
They will put their hands over their mouths(AP)
    and their ears will become deaf.
17 They will lick dust(AQ) like a snake,
    like creatures that crawl on the ground.
They will come trembling(AR) out of their dens;
    they will turn in fear(AS) to the Lord our God
    and will be afraid of you.
18 Who is a God(AT) like you,
    who pardons sin(AU) and forgives(AV) the transgression
    of the remnant(AW) of his inheritance?(AX)
You do not stay angry(AY) forever
    but delight to show mercy.(AZ)
19 You will again have compassion on us;
    you will tread our sins underfoot
    and hurl all our iniquities(BA) into the depths of the sea.(BB)
20 You will be faithful to Jacob,
    and show love to Abraham,(BC)
as you pledged on oath to our ancestors(BD)
    in days long ago.(BE)

Footnotes

  1. Micah 7:14 Or in the middle of Carmel