Font Size
Mga Gawa 25:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Gawa 25:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isinangguni ni Festo kay Agripa ang Kaso ni Pablo
13 Makalipas ang ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Bernice upang bumati kay Festo. 14 Nang matagal-tagal na sila roon, isinalaysay ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. Sinabi ni Festo kay Haring Agripa, “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo. 15 Nang ako'y nasa Jerusalem, inireklamo ito sa akin ng mga punong pari at ng mga pinuno ng mga Judio at hininging parusahan siya.
Read full chapter