Add parallel Print Page Options

Hindi nila alam ang katuwiran ng Diyos. At sapagkat sinisikap nilang maitatag ang kanilang katuwiran, hindi sila nagpapasakop sa katuwiran ng Diyos. Ito ay sapagkat si Cristo ang hangganan ng kautusan patungo sa katuwiran ng lahat ng sumasampalataya.

Ito ay sapagkat sumulat si Moises patungkol sa katuwiran sa pamamagitan ng kautusan. Sinulat niya:

Ang taong gumaganap ng mga bagay na ito ay mabubuhay sa pamamagitan niyon.

Gayunman, ang katuwirang mula sa pananampalataya ay nagsasabi: Huwag mong sabihin sa iyong puso ang ganito: Sino ang papaitaas sa langit? Iyon ay upang ibaba si Cristo. Huwag ding sabihin: Sino ang bababa sa walang hanggang kalaliman? Iyon ay upang ibalik si Cristo mula sa mga patay. Ano ang sinasabi ng kasulatan?

Ang salita ay malapit saiyo, ito ay nasa iyong bibig at sa iyong puso.

Ang salitang ito ay ang salita ng pananampalataya na ipinahahayag namin.

Ipahayag mong si Jesus ay Panginoon at sampalatayanan mo sa iyong puso na binuhay siyang mag-uli ng Diyos. Kapag ginawa mo ito, ikaw ay maliligtas. 10 Ito ay sapagkat sa pamamagitan ng puso ikaw ay sumasampalataya patungo sa pagiging-matuwid. Sa pamamagitan ng bibig ikaw ay nagpapahayag patungo sa kaligtasan. 11 Ito ay sapagkat sinasabi ng kasulatan:

Ang bawat isang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

12 Ito ay sapagkat walang pagkakaiba sa mga Judio at mga Gentil sapagkat iisa ang Panginoon na nagpapala ng masagana sa lahat ng tumatawag sa kaniya. 13 Ito ay sapagkat:

Ang bawat isang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.

Read full chapter