Add parallel Print Page Options

Ang Katuparan ng Kautusan

17 Huwag ninyong isiping naparito ako upang sirain ang Kautusan o ang mga Propeta. Naparito ako hindi upang sirain kundi upang tuparin ang mga ito.

18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Lilipas ang langit at ang lupa ngunit kahit isang tuldok o isang kudlit sa Kautusan ay hindi lilipas sa anumang paraan hanggang matupad ang lahat. 19 Kaya ang sinumang lumabag sa isa sa mga utos na ito, kahit na ang kaliit-liitan, at ituro sa mga tao ang gayon, ay tatawaging pinakamababa sa paghahari ng langit. Ngunit ang sinumang gumaganap at nagtuturong gana­pin ito ay tatawaging dakila sa paghahari ng langit.

Read full chapter