Add parallel Print Page Options

52 Pumunta siya kay Pilato at hiningi niya ang katawan ni Jesus. 53 Ibinaba niya ang katawan ni Jesus. Binalot niya ito ng telang lino at inilagay sa isang libingang iniuka sa bato na hindi pa napaglilibingan. 54 Noon ay araw ng paghahanda at ang araw ng Sabat ay nalalapit na.

55 Sumunod kay Jose ang mga babaeng sumama kay Jesus mula sa Galilea. Nakita nila ang libingan at kung papaano inilagay ang katawan ni Jesus. 56 Umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mga pamahid. Nagpahinga sila sa araw ng Sabat ayon sa kautusan.

Read full chapter