Add parallel Print Page Options

23 Kaya nga, nang maipako na siya sa krus ng mga kawal, kinuha nila ang kaniyang mga kasuotan. Hinati nila ito sa apat na bahagi. Isang bahagi sa bawat kawal at gayundin ang kaniyang damit. Ngunit ang balabal ay walang tahi. Ito ay hinabing buo mula sa itaas pababa.

24 Sinabi nga nila sa isa’t isa: Huwag natin itong punitin. Magpalabunutan tayo kung mapapasa kanino ito.

Ito ay nangyari upang matupad ang kasulatan na nagsasabi:

Pinaghati-hatian nila ang aking damit at nagpa­la­bunutan para sa aking balabal.

Ginawa nga ng mga kawal ang mga bagay na ito.

25 Nakatayo sa malapit sa krus ni Jesus ang kaniyang ina. Naroon din ang kapatid na babae ng kaniyang ina, si Maria na asawa ni Cleofas at si Maria na taga-Magdala.

Read full chapter